SI UniTeam bet at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang susuportahan ng PDP-Laban Cusi faction.
Ito ay base sa Resolution No. 26, Series of 2022 na inilabas ng National Executive Committee ng partido na kinabibilangan din ni Pangulong Duterte.
Ayon sa resolusyon, pinili nito si Marcos dahil siya ang kandidato “whose platform is most aligned with the development program of President Rodrigo Roa Duterte.”
Bukod dito, si Marcos din ang nakakuha ng pinakamaraming endorsement mula sa mga lokal na konseho ng PDP-Laban.