NANAWAGAN si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Commission on Elections (Comelec) na siguruhin na mabibilang nang tama ang lahat ng boto sa darating na halalan.
Ginawa ni Marcos Jr. ang panawagan matapos maiulat na meron umanong mga pre-shaded ballots sa Singapore at Dubai.
“Pinapatingnan namin, nagtatanong kami sa Comelec na sana tiyakin nila na lahat ng boto ay mabibilang ng tama,” ayon kay Marcos Jr.
“Hindi ko alam, mukha namang mga mistake mistake lang. Pero huwag naman sana tayo makakita na pattern, na mayroon talagang nagbabago na ang mga numero,” dagdag pa niya.
Nauna nang kinondena ng running mate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte ang naiulat na pre-shaded na mga balota at idiniin na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng dayaan.
“That my name was allegedly pre-shaded, along with some senatorial candidates, is grossly disconcerting. As a politician, my experience has taught me that Filipinos do not respect those who cheat and engage in election fraud,” ayon kay Duterte.
“And I take with great pride in the fact that my history in politics has never been tainted by cheating, fraud, and other election irregularities that could question my integrity and leadership,” dagdag pa niya.