NAPANATILI ni presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos ang kanyang pangunguna sa presidential survey ng Pulse Asia.
Sa huling survey na ginawa ng Pulse Asia mula Pebrero 18-23, tumabo ng 60 porsiyento si Marcos habang malayo ang agwat nito sa pumapangalawang si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 15 porsiyento.
Nasa ikatlong pwesto si Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 10 porsiyento habang dikit sa ika-apat na pwesto si Senador Manny Pacquiao na nakakuha ng 8 porsiyento.
Si Senador Ping Lacson naman ay nasa ikalimang pwesto at nakakuha lamang ng 2 porsiyento.