Marcos’ binura sa listahan ng kandidato

BINAWASAN ng Commission on Elections ang listahan ng mga kandidato sa pagkapangulo at kabilang sa inalis ang isang Maria Aurora Marcos at tatlong iba pa.


Matatandaan na nag-file ng certificate of candidacy si Maria Aurora Marcos, isang negosyante, sa Sofitel Harbor Garden Tent sa Pasay City noong Oktubre. Nagsumite rin siya ng COC para sa eleksyon noong 2016 pero idineklara bilang nuisance bet.


Natuwa naman ang kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa desisyon ng Comelec na ideklarang nuisance candidate si Maria Aurora Marcos.


“We give it to the members of this august body for seeing through the schemes and machinations of certain political camps to make a mockery of the electoral process by resorting to gutter politics,” ani Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos.


Sa kasalukuyan ay 11 na lang ang mga kandidato sa pagkapangulo para sa darating na halalan, kabilang sina Marcos, Vice President Leni Robredo, mga senador na sina Manny Pacquiao at Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, at labor leader Leody de Guzman.