Leni: Sa ngalan ng Pilipinas…pakinggan ang tinig ng taumbayan

NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga tagasuporta na tanggapin ang resulta ng halalan, sa harap ng napipintong pagkapanalo ni dating senador Bongbong Marcos sa pagkapangulo.

“Alam kong mahal natin ang bansa, pero hindi puwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak ang pagmamahal na ito,” sabi ni Robredo sa kanyang Facebook live matapos ang pangununga ni Marcos.

“Bagaman may hindi pa nabibilang; bagaman may mga tanong pa ukol sa eleksyon na ito na kailangang matugunan: Palinaw na nang palinaw ang tinig ng taumbayan. Sa ngalan ng Pilipinas na alam kong mahal na mahal rin ninyo: Kailangan nating pakinggan ang tinig na ito, dahil sa huli, iisa lang ang bayang pinagsasaluhan natin,” ayon pa kay Robredo.