Leni pinangalanan 11 senatorial bets

PINANGALANAN na ni Vice President Leni Robredo ngayong Biyernes ang 11 senatorial bets na kabilang sa kanyang listahan.

“Isang linggo pa lamang ang nakakalipas, inihain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo, nakita ng lahat ang matinding pagbuhos ng suporta mula noon. Nakita natin ang paggising ng natutulog na enerhiya ng taumbayan. Lumitaw ang pag-asa na nagtatago lang pala sa loob natin,” sabi ni Robredo sa kanyang isinagawang press briefing.

Idinagdag ni Robredo na isasapubliko niya ang huling pangalan na mapapasama sa kanyang listahan na ieendorso sa Senado.

Kabilang sa listahan sina:

  1. Dating Senador Antonio Trillanes IV
  2. Sen. Risa Hontiveros
  3. Sen. Leila de Lima
  4. Lawyer Chel Diokno
  5. Former Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr.
  6. Alex Lacson
  7. Sen. Richard Gordon
  8. Sen. Juan Miguel Zubiri
  9. Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero
  10. Sen. Joel Villanueva
  11. Former Vice President Jejomar Binay