NAKAKUHA si Vice President Leni Robredo ng ‘Neutral’ sa pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre matapos makakuha ng 41% satisfied at 40% dissatisfied sa kanyang panunungkulan.
Base sa fourth quarter survey na isinagawa mula Disyembre 12 hanggang 16, nakakuha naman si Senate President Vicente Sotto III ng ‘Very Good’ matapos 65% ang nagsabi na satisfied sila sa kanyang performance at 14% naman ang dissatisfied.
Nakakuha naman si Speaker Lord Allan Velasco ng “Neutral” matapos makakuha ng 29% satisfied at 24% dissatisfied sa kanyang liderato at “Neutral” din para kay for Chief Justice Gesmundo Chief Justice Alexander Gesmundo matapos makakuha ng 26% satisfied at 20% dissatisfied sa kanyang trabaho.
Nangangahulugan ito ng neutral +1 net satisfaction rating kay Robredo very good +52 kay Sotto, neutral +5 kay Velasco, at neutral +7 kay Gesmundo.
Gumamit ng face-to-face interview sa 1,440 respondent sa buong bansa.