HINDI kinakabahan si presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa anong mangyayari sa darating na Lunes, Mayo 9, araw ng halalan.
Ayon kay Robredo, kumpiyansa siya sa magaganap sa Lunes dahil ginawa niya ang lahat sa pangangampanya.
“Hindi ako kinakabahan kasi ginawa ko naman lahat. Ako na yata ‘yong pinakamasipag […] ’yong nangyayari ngayon so much more than we expected at the start of the campaign. Hindi natin inaasahan na hindi na lang siya magiging simpleng kampanya kundi talagang krusada na and I think ‘yun ang biggest blessing,” ani Robredo.
Hinimok din ni Robredo ang kanyang mga tagasuporta na magtiwala at huwag mangamba.
“Magtiwala lang, magtiwala lang kasi hindi lang naman ako ang nagsipag, sila din. Hindi lang naman ako ang ginawa ang lahat, pero sila din. ‘Yung lesson naman natin sa buhay basta lalaban tayo to the best of our ability pero sa tamang paraan,” ani Robredo.