NILINAW ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na hindi siya pabor sa vote buying.
Ito ay matapos amg-trend sa social media ang sinabi niya sa online forum kasama ang mga kasambahay na tanggapin ng mga ito ang ibibigay na pera ng mga politiko basta ang iboto ay iyong isinisigaw ng konsensiya.
Anya, aware umano siya sa batas na nagbabawal sa vote buying. Gayunman, ito umano ang reyalidad dahil hindi napatutupad nang maayos ang batas laban dito.
“So sa atin, aware tayo sa nasa batas. Hindi tayo masaya na hindi ito na-e-enforce. Pero dapat bukas ang mata natin sa realities on the ground. Kung hindi maayos ang enforcement, ano ba ang gagawin natin?” ayon kay Robredo.
Binanatan ni Comelec Spokesman James Jimenez ang naunang pahayag ni Robredo.
“Vote buying is an election offense regardless of financial situation or noble intentions. Di dapat ginagawa, at di dapat sina-suggest yan sa mga botante,” ayon kay Jimenez bilang tugon sa sinabi ni Robredo.