TUTOL si Senator Lacson na ipagpaliban ang barangay elections na nakatakda sa Disyembre 5, 2022.
“Alam niyo ilang beses nang na-postpone ang barangay elections. Baka naman panahon na para ituloy na natin nang sa ganoon magkaroon na ng malayang pagpili ang ating mga kababayan kung sino ‘yung gusto nilang maging punong barangay,” sabi ni Lacson.
Nauna nang pinaboran ng ilang kandidato ang pagpapaliban ng barangay elections para makatipid ang pamahalaan.
“Dahil parang kung walang eleksyon, wala tayong choice, ‘di ba, dahil na-extend nang na-extend ‘yung termino ng ating mga barangay chairman. So, panahon na siguro para ito… Although medyo may gastos ang eleksyon pero pwede naman nating bigyan ng kaukulang pondo,” giit ni Lacson.