IPINAGMALAKI ni Senator Panfilo Lacson na malinis ang kanyang track record sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
“Ang isang maipagmamalaki ko sa aking public service, ni minsan hindi ako tumanggap ng suhol kapalit ng serbisyo publiko,” sabi ni Lacson sa debate na inorganisa ng CNN Philippines.
Pinili naman ni Lacson ang Bureau of Customs kasama ang iba pang tumatakbo sa pagkapangulo bilang pinaka corrupt na ahensiya ng pamahalaan.
Tanging si Sen. Manny Pacquiao lamang ang pumili ng Department of Health (DOH) sa pinaka talamak ang korupsyon.
Samantala, isinulong ni Lacson ang P30,531 na basic pay para sa mga nurse.
Aniya, dapat paghandaan ng pamahalaan ang mga polisiya para makaagapay sa Covid-19 na aniya’y magiging bahagi na ng buhay ng mga Pinoy.