IBINASURA ni Senator Panfilo Lacson ang panawagan ni vice presidential aspirant at Buhay partylist Rep. Lito Atienza na umurong na siya sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo.
“I am not backing out. I reject this call. It is uncalled for to say the least. He should go back to school and study GMRC which law I authored,” sabi ni Lacson.
Nauna nang sinabi ni Atienza na handa siyang umurong sa pagtakbo bilang bise president kung magwi-withdraw rin si Lacson sa kanyang kandidatura.
Isinusulong ni Atienza ang tandem nina Senator Manny Pacquiao at Senate President Vicente Sotto III.
Itinanggi rin ng assistant campaign manager ni Lacson na si dating Bureau of Internal Revenue commissioner Kim Henares ang ipinalulutang ni Atienza.
“He is not withdrawing. I just want to make it clear that the campaign continues and he is not withdrawing,” aniya.