HANDANG-HANDA umano si dating Senador Antonio Trillane IV na tumakbo sa pagkapangulo.
Iyan ay kung magdedesisyon si Vice Presidenti Leni Robredo na huwag nang sumabak pa sa presidential race sa darating na eleksyon.
“Tuloy ang pag tulak natin kay VP Leni to run for President. Kung tumuloy siya, ipanalo natin siya,” post ni Trillanes sa kanyang Twitter account.
Pero kung hindi ito maghahain ng kanyang kandidatura hanggang sa Oktubre 8, sinabi ni Trillanes na siya na lang ang sasabak.
“Pero kung di pa rin siya makapagdesisyon by 12nn of Oct 8, tuloy na po ako ng pagka presidente. Di po natin hahayaang matalo ang TUNAY na OPOSISYON ng di man lang lumaban,” ayon sa dating senador.
Nakatakdang maghain ng kandidatura ang mga nais tumakbo sa pagkapangulo, ikalawang pangulo at senador mula Oktubre 1 hanggang 8.
Ilan sa mga nag-anunsyo ng pagtakbo sa pagkapangulo ay sina Sen. Manny Pacquiao, Sen. Panfilo Lacson at Manila Mayor Isko Moreno.