NAGPAKITA ng kanyang todo-suporta ang aktres na si KC Concepcion sa kanyang tatay-tatayan na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na ngayon ay opisyal nang kandidato sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.
Sa kanyang post sa social media, nagpahayag si KC ng kanyang makapagdamdaming mensahe kay Pangilinan na tumayo na kanyang ama sa matagal na panahon.
“A Harvard alumnus. A UP and La Salle raised lawyer. An Ateneo professor. 20 years of serving the people as Senator. You deserve my vote and the Vote of the People. Mahal kita,” pahayag ng aktres.
Si KC ay anak ni Gabby Concepcion sa aktres na si Sharon Cuneta.
Si Pangilinan ay ka-tandem ni Vice President Leni Robredo.