BINATIKOS ni Education Undersecretary for Administration Alain Pascua ang paggamit ng kanta ng DepEd nang walang paalam sa isang political video na sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Pascua, walang pakundangang ginamit ng kampo ni Robredo ang “Dakila Ka, Bayani Ka” nang walang pahintulot ng mga kompositor at umawit nito.
“We shall seek legal action on this negligence from the erring production team,” ayon sa opisyal.
“We are also reminding the public to keep non-political materials away from the messy side of the election campaign season,” dagdag ni Pascua.
Inabisuhan naman niya ang kampo ni VP na burahin ang video bago pa nila ito ireklamo sa Facebook.
“We urge the people behind the video to stop sharing and to take down the post before we even ask Facebook to remove it,” ani Pascua.
Ang “Dakila Ka, Bayani Ka,” na nilikha ni G. Arnie Mendaros at inayos ni G. Albert Tamayo, ay isang kantang inialay sa Covid-19 frontliners na nagsakripisyo ng kanilang kaligtasan at matapang na tinupad ang kanilang tungkulin sa gitna ng pampublikong krisis sa kalusugan, paliwanag pa ng opisyal.