Kandidatura ni Bong Go binawi sa Comelec

PORMAL nang inihain ni Senador Bong Go ang kanyang withdrawal sa 2022 presidential race Martes ng umaga.

“Wala na po ako sa karerang ito sa pagtakbo bilang pangulo ngayong 2022 nakapag salita na po ako last November 30… Talagang nagreresist po ang aking utak at puso sa pagtakbo bilang pangulo,” ani Go.

Sinabi rin ni Go na walang nakakaalam na ngayon siya maghahain ng withdrawal.

“Actually wala pong nakakaalam. Ni driver ko hindi alam. Sumakay lang po ako ng taxi kasi pag pinaalam ko sa kanila mas marami po ang makakaalam,” ayon kay Go.

Matatandaang noong Nobyembre 30 inanunsyo ni Go na hindi na siya tatakbo sa pagkapangulo.

Pakiusap ni Go na tulungan na lamang siya at si Pangulong Duterte na maghanap ng kanilang ieendorso para sa nalalapit na halalan.