SINIMULANG ng mga supporters ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo ang malawakang caravan nitong Sabado.
Suot ang kulay pink na t-shirt at ribbon, nag-caravan ang mga supporters ni Robredo para ipakita ang kanilang suporta sa presidential bid nito.
Sa 49 lungsod at probinsiya, sabay-sabay na inilarga ng mga supporters na tinawag ang kanilang mga sarili na “Kakampinks”, ang kampanya ng pangalawang pangulo at running mate na si Senator Kiko Pangilinan.
Kabilang sa mga grupong sumama sa caravan ay mga sectoral groups gaya ng Lawyers for Leni, Engineers for Leni, Doctors for Leni. Kasama rin dito ang 1Sambayan, Liberal Party at Alliance of Labor Leaders for Leni.
Bukod sa Metro Manila, ilan sa mga pocket caravans ay ginawa sa Pangasinan, Camarines Sur, Tarlac, Surigao del Sur sa Mindanao at maging sa Davao City, balwarte ng mga Duterte.