JV Ejercito target makabalik ng Senado

TARGET ni dating Senador JV Ejercito na makabalik muli sa Senado sa darating na 2022 elections.

Alas-2 ng hapon ngayong Sabado nang dumating sa Harrbor Garden Tent sa Sofitel Hotel sa Pasay City si Ejercito para i-file ang kanyang COC.

Inaasahan na susunod na rin mag-file ng kanyang kandidatura sa pagkasenador ang half-brother niyang si dating Senador Jinggoy Estrada.

Kapwa natalo ang dalawa noong 2019 senatorial elections.

Naging senador si Ejercito mula 2013 hanggang 2019. Bago ito ay naging kongresista at mayor din siya ng San Juan City.

Ayon kay Ejercito, naniniwala siyang kailangang ng PUBLIKO ang mga “good ones” sa pamahalaan.

Ang “The Good One” ang naging campaign slogan ni Ejercito,.