NAHAHARAP sa kaso ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia makaraan niyang gamitin ang Tide sa kanyang online post.
Agad namang binura ni Juliana ang post pero na-screenshot at nai-repost ito ng mga netizens kaya nakita ng mga taga-Procter & Gamble (P&G) , ang multinational goods corporation na naka-base sa US, at Tide Philippines.
Mahigpit umano na ipinagbabawal ng P&G ang pagggamit ng kanilang mga brands sa mga bagay na may kinalaman sa politika.
Nitong Biyernes ay pinagbantaan ni Juliana ng asunto ang netizen na nag-post ng cellphone number ng kanyang ina na may kaugnayan sa utang niyang P300,000.