Isko team: It’s a 3-way-fight

NANINIWALA ang kampo ni presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno na hindi dalawa kundi three-way-fight ang mangyayari sa darating na May 9 elections.

Ito ay sa kabila ng pamamayagpag ng frontrunner na si dating Senador Bongbong Marcos sa huling survey ng Pulse Asia at ang pag-angat ni Vice President Leni Robredo nitong Marso.

Ayon kay Ernest Ramel, chairman ng Aksyon Demokratiko sa panayam ng Inquirer.net, unfair umano ang characterization ng ilang grupo na ang laban sa May 9 elections ay sa pagitan na lamang nina Marcos at Robredo, lalo’t nababawasan pa ang bilang ni Moreno sa mga survey imbes na umangat.

Maganda umanong basehan dito ay ang pangunguna ni Isko bilang second choice na presidential bet.

“It’s actually an unfair characterization for some that it will be a 2-way fight. On the contrary, it will be a 3-way race as evidenced by Mayor Isko being consistently the top second choice,” ayon kay Ramel.