Isko sinimulan panliligaw sa Mindanao; dinumog ng 50K supporters

DINUMOG ng mahigit sa 50,000 supporters ang political rally ni presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno sa Maguindanao nitong Linggo.

Kasabay nito, nangako ang pambato ng partidong Aksyon Demokratiko na tutulungan ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) sa sandaling mahalal siya sa Mayo bilang bagong pangulo.

Dinayo ni Moreno ang BARMM nitong Linggo bilang panauhin sa mass oath-taking ng may 20,000 miyembro ng United Bangsamoro Justice Party.

Pinangunahan ang political rally ni Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu at ilan pang opisyal ng Maguindanao.

Samantala, nakipagpulong si Moreno kay Bangsamoro Interim Chief Minister Murad Ebrahim nitong Lunes sa Cotabato City.

Sa nasabi ring pagpupulong na ginanap sa Bangsamoro Government Center, tinukoy ni Murad si Moreno bilang “incoming president”.