TALO sa mismong kanyang lugar si Manila Mayor Isko Moreno ng leading presidential candidate Bongbong Marcos Jr., base sa unofficial tally ng mga boto Lunes ng gabi.
Nakakuha si Marcos ng 312,441 boto habang si Moreno ay 260,226 habang nasa ikatlo naman si Vice President Leni Robredo 173,870.
Gayunman, malayo ang lamang ng mga kakampi ni Moreno sa mayoralty at vice mayoralty race matapos makakuha si Honey Lacuna ng 464,300 boto laban sa pambato ng UniTeam na si Alex Lopez na nakakuha lang ng 144,961 votes habang si Amado Bagatsing ay 99,201.
Ito ay base sa 88.22 percent ng Election Returns na natransmit na alas-9:02 ng gabi, sa main Comelec server.