NANGHIHINAYANG ngunit nirerespeto diumano ni Manila Mayor and Aksyong Demokratiko presidential candidate Isko Moreno ang pag-atras ng broadcaster na si Noli de Castro sa senatorial race.
“Personal reason ‘yon, wala akong liberty to tell you, with due respect to Kabayan Noli de Castro, and I believe, and I support his decision because there is a personal reason behind it. And I am not in the liberty to tell the public, to state the situation,” ani Moreno.
Dagdag pa ng alkalde, talagang kinumbinse ng kanyang team si de Castro na tumakbo, at matagal bago siya sumagot.
“Nirerespeto namin ang desisyon niya, and we wish him well because we know that he will continue to have the best interests of our people, as the Pambansang Kabayan, in his heart,” dagdag pa ni Moreno.
Sakabila nito, mananatili naman umanong miyembro ng Aksyon Demokratiko ang dating bise presidente, ayon kay AD chairperson Ernest Ramel.