AYAW ni Aksyon Demokratiko standard-bearer and Manila Mayor Isko Moreno na magkaroon ng guest candidates sa kanyang partido.
Anya, kailangan exclusive sa partido ang nasa kanyang senate slate.
Isa umanong pagsasalaula sa partido ang magkaroon ng mga kandidato mula sa iba’t ibang political parties.
“I don’t want to fool the public. Where have you seen candidates running under different parties?” ani Moreno sa panayam nito sa ANC.
“We are disrespecting our political system. We’re raping it,” dagdag pa nito.
Gayunman, aminado si Moreno na mahihina ang tatlo niyang kandidato sa pagkasenador. Ang kanyang tinutukoy ay sina ex-Liberal Party Otso-Diretso candidate Samira Gutoc-, educator-entrepreneur Carl Balita at TV personality na si Jopet Sison.
Dagdag pa ni Moreno, ang tanging tatanggapin laman niya sa kanyang listahan ay yung siya lamang ang i-eendorso sa pagkapangulo.
“I would rather have few but I know that I am their president. They believe in us, in our group,” giit pa ng alkalde.