Imee Marcos pinagbibitiw bilang chair ng Senate poll reforms committee

DAPAT umanong magbitiw sa kanyang pagiging chairperson ng Senate committee on electoral reforms si Senador Imee Marcos sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon hinggil sa diumano’t data breach sa Smartmatic.

Ayon sa Kontra Daya convenor na si Danilo Arao, hindi kaaya-aya ang pagiging chair ni Marcos sa komite lalo pa’t ang kapatid niya ay tumatakbo sa pinakamataas na katungkulan sa nalalapit na halalan.

“There is a certain degree of optics involved doon sa parang awkward moment na ang naglilead ng imbestigasyon ay kapatid ng kasalukuyang tumatakbo para sa pagkapangulo,” ayon kay Arao sa ginawang media forum nitong Sabado.

“Kaya nga ang panawagan din ng Kontra Daya, hindi naman kailangan magresign ni Imee Marcos sa Senado, pero magresign naman sana siya bilang chair ng Senate committee on electoral reforms,” dagdag nito.

May ibang senador na maaring humalili kay Marcos bilang chair ng komite.