NAG-TRENDING ang hashtag na #BoyingSinungaling matapos tawaging sinungaling ng mga netizens si Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla nang sabihin niyang binayaran ng P500 ang mga dumalo sa kampanya ni Vice President Leni Robredo sa Cavite noong Biyernes.
Naging number 1 sa Philippines trend ang hashtag #BoyingSinungaling matapos makakuha ng 18K tweets Linggo.
Nauna nang sinabi ni Remula sa isang panayam sa DZRH na binayaran ng P500 ang mga dumalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa General Trias.
“Sa siyudad ng Cavite, may politiko na nagbabayad ng limang daan sa bawat aattend,” sabi ni Remulla.