TATLONG araw na lang at hahatulan na ng taumbayan — ang mga pinagtatalunan natin na kung sino ang nararapat na maglingkod sa bayan. Marami ang marubdub ang suporta sa kanilang mga “manok” at kulay to the point na nagiging isang pagsubok ito sa relasyon sa pamilya at mga kaibigan.
Sa totoo lang, sa isang undecided like me, marami pa rin akong series of reviews na ginagawa sa mga napupusuan kong magiging lider ng ating gobyerno. Ngunit hindi ibig sabihin na wala akong pakialam sa kinabukasan ko. Simula noong ako’y naging 18-anyos, naging panata ko na ang bumoto, sapagkat ito ay isa sa mga nagagawa ko para sa bayan.
Hindi ko na kayo kukumbinsihin kung sino ang dapat na iboto, pero naririto ang ilang tips na makakatulong sa inyo sa Lunes, Mayo 9, araw ng halalan:
1. Magdala ng listahan
Bago matulog, siguraduhing final na ang iyong listahan ng iboboto, mula sa presidente hanggang sa pinakababang puwesto ng lider sa inyong lokal na pamahalaan. Bawal mag-selfie sa loob ng polling precinct at para iwas “vote buying” – alam nyo na ang ibig kong sabihin.
2. Magdala ng bolpen
Mas maigi marami kang dalang bolpen – black and blue. Minsan hindi tayo conscious na wala na palang tinta ang ginagamit nating panulat na laging laman ng ating bag.
3. Magdala ng pamaypay, wearable or hand-held electric fan
Mula sa pila hanggang sa loob ng presinto ay mararamdaman mo ang alinsangan ng panahon. Asahan mo na mahaba ang pila sa pagpasok at paghahanap mo ng iyong precint room.
4. I-check ang iyong precint number online – at kung talagang registered voter ka pa rin.
Puntahan mo ang link na ito – https://voterverifier.comelec.gov.ph/voter_precinct – upang malaman ang iyong last registration. Kung ikaw ay bumoto noong huling eleksyon (2019), siguradong ikaw ay nasa listahan pa. Yes, I checked mine and I am still active! Sa mga first-timers, maige na habang kaya pa ngayong Biyernes at hindi mo pa ito nagagawa ay mabuting i-check mo na. Pumunta sa iyong lokal Comelec office para i-verify ang pangalan mo kung hindi lumabas ang pangalan mo online.
5. Magdala ng tubig at biskwit, pati na rin kendi
Base sa huling experience ko, kailangan ko pa talagang bumili ng tubig at nagutom ako sa pila dahil wala akong dala noon, maigi na lang at mababait yung mga nasa unahang pila ko at napakiusapan ko na “i-reserve” ang aking slot habang bumibili ako ng pagkain.
6. Health protocol i-praktis
Ipraktis pa rin ang nakasanayan nitong pandemya – social distancing, wearing double mask, at magdala ng alcohol. Tatandaan, may COVID-19 virus pa rin.
7. Mag-ingat sa magnanakaw
Magdala lamang ng naayon sa araw na iyon. Iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas o ang iyong cellphone ay dapat may lalagyan. Kung may body bag kayo or sling bag na tama lang para sa iyong wallet, ballpen, tissue, wired or wireless headphones at cellphone, iyon na lang ang iyong gamitin. May pagkakataon pa rin ang mga kawatan na gumawa ng masama sa iyo sa araw na ito.
8. Habaan ang pasensya
Maalinsangan, maraming makukulit na nakapila, at maraming maiingay. Yes, kailangan mo ng mahabang pasensiya. Maging attentive rin kung may mga announcements mang sasabihin ang mga guide sa loob ng presinto.
9. Ipagdasal na maging maayos at payapa ang eleksyon
Nawa ay hindi umulan, maging maayos ang mga makina (mahirap ito naranasan ko yung dalawang oras ng delay sa pagboto dahil nasira ang counting machine), at maging maayos rin ang guidance ng mga teachers at mga nag-assist.
Karapatan natin ang bumoto. Karapatan natin ito bilang isang mamamayan. Huwag na huwag mong sayangin ang pagkakataon na ito, dahil sa paraan na ito, dito mo mapapatunayan ang pagmamahal mo sa iyong bayan, at ang pagiging isang Pilipino.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]