Guanzon sa resulta ng NBI probe kaugnay ng hacking: I told you so

IKINATUWA ni Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos sabihin nito na walang nangyaring hacking sa server ng Comelec.

“NBI is convinced no hacking @COMELEC. I told you so,” sabi ni Guanzon sa isang tweet.

Nauna nang tinawag ni Guanzon na fake news ang umano’y hacking na lumabas sa Manila Bulletin.

Ininspeksyon ng mga kinatawan ng Comelec at NBI ang warehouse ng Comelec sa Santa Rosa, Laguna noong Sabado.