SINABI ni dating Commission on Elections Commissioner Rowena Guazon ngayong Biyernes na dapat imbestigahan ng Department of Health at ng COMELEC ang ulat na ginagamit ang mga mascot ng DOH sa kampanya nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte sa Ilocos Sur.
“Talagang electioneering yan. Hindi lang dapat pagsabihin ni (Health) Secretary (Francisco Duque III), dapat file-an niya ng administrative complaint. Kasi hindi naman matuto ang mga civil servant kapag hindi sila makasuhan,” sabi ni Guanzon sa panayam sa DZMM.
Idinagdag ni Guanzon na dapat ding magsagawa ng hiwalay na pagsisiyasat ang Comelec.
“Dapat si Marcos Jr. din ang managot din diyan kasi hindi naman maaaring nangyari yan nang hindi niya alam, dapat imbestigahan din ng COMELEC si Marcos Jr. for violation saka election offense,” dagdag ni Guanzon.