INAMIN ni Pangulong Duterte na hindi niya matitiyak na magiging payapa ang darating na May 9 elections.
“I cannot guarantee you that it will be peaceful. There will be one or two or three,” pahayag ni Duterte sa panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy Sabado ng gabi.
“And even dito sa Mindanao. I mean, even the warring factions diyan sa Cotabato. Sinabi ko talaga sa kanila: “I will not allow terrorism sa election. I will not allow violence. Kampanya lang kayo,” dagdag pa nito.
Sinabi rin nito na may ilang political group ang nais lumikha ng gulo sa darating na halalan.
“It seems there’s a grouping of the communists, the yellows, and another… Well, of course, the communist is already a terrorist organization. So the yellows, that’s a… I forgot the other one,” pahayag pa ni Duterte.