El Shaddai inendorso si Marcos Jr.- Sara tandem

BINASBASAN ng El Shaddai sa pangunguna ni Bro. Mike Velarde ang kandidatura ng tambalang dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte para sa May 9 elections.

Ginawa ni Velarde ang pag-endorso sa dalawa sa isinagawang pagtitipon ng El Shaddai nitong Sabado na dinaluhan din nina Marcos at Duterte.

“Matagal nang lumapit sa akin ‘yang dalawang ‘yan, lalo na si Bongbong,” sabi ni Velarde.

“It’s time for us Filipinos to be united. After all, napagbigyan natin ‘yung mga kalaban ni Marcos ng maraming taon, diba? Baka naman ito may magawang mabuti sa atin that’s why I have chosen them.”

Inamin din ni Velarde na lahat ng kandidato ay ikinonsidera ng grupo, ngunit tanging sina Marcos at Duterte ang lumapit sa grupo.

Ayon kay Velarde, matapos ang kanyang endorsement sa dalawa, inaasahan na ang mga chapters ng simbahan sa ibang rehiyon at maging sa ibang bansa ay binigyan na rin ng instruction na suportahan sina Marcos at Duterte sa halalan.

Nagpasalamat sina Marcos at Duterte sa endorsement.