INIHAYAG ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamahusay sa lahat naging presidente ng bansa.
“I will tell them that personality politics is bad if the person involved in politics is bad. But if the person involved in politics is good, then personality politics is good,” ayon sa presidential aspirant ng PDP-Laban.
“I believe the President is not only good, but he’s the best president that the Philippines has ever had.”
Giit ni standard-bearer ng PDP Laban, hindi lamang sa plataporma nakatuon ang publiko sa pagboto ng kandidato.
“Huwag na silang maraming pa ek-ek dyan…totoo naman talaga ang politics sa Pilipinas e based on personality politics. We are voting based on personal circumstances. Bakit magboboto ka ba na plataporma lang?”
“Hindi mo ba basta-basta ibigay yung pamumuno ng ating bansa sa isang taong hindi mo alam, hindi mo kilala kung anong personality nya. So personality politics pala rin talaga ang umiiral sa ating bansa,” dagdag pa nito.