MULING tiniyak ni Pangulong Duterte ang maayos na eleksyon sa Mayo, kasabay ng paggiit na mananatili siyang neutral sa nakatakdang halalan.
“Kaming taga-gobyerno na naiwan, who are not candidates anyway and who are out of job by two months from now, mayroon kaming trabaho. Ang trabaho namin is to keep order dito sa bayan natin na para plastado lahat,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.
Idinagdag ni Duterte na ito ang dahilan kayat nagdesisyon siyang wag mag-endorso ng kandidato sa pagkapangulo.
“Even though I have a party, pero nagdistansiya muna ako, except those mga rallies, nakita ko na mahina ‘yung mga kandidato sa PDP. But aside from that, over and above all of these things is the fact that we are tasked by the Constitution to see to it that the elections are in order,” aniya.
“So ang pakiusap lang namin sa kapartido namin pati sa pulitika sa kabila is for us to follow the rule of law… I will not side with anybody. We will be neutral,” dagdag ni Duterte.