NANINIWALA si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi solusyon ang pagpapatupad ng death penalty para wakasan o mabawasan ang krimen sa bansa.
“On the question on whether or not it is effective in lowering the crime rate, the heinous crimes, I think the numbers are clear. It’s not. The death penalty does not… Alam mo kung papatay ka ng tao, sasabihin mo, ‘ay naku may death penalty hindi ko na papatayin ito.’ Hindi nangyayari ‘yun eh,” pahayag ni Marcos sa interview kay Erwin Tulfo at Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
“‘Yung mga heinous crime gagawin at gagawin ng mga kriminal ‘yun eh, kaya I am not sure if the death penalty is an effective way of discouraging the commission of [crime],” dagdag pa niya.
Para kay Marcos, ang pagpapatupad ng batas ay “higit na mahalaga” kaysa sa parusa sa pagtugon sa problema ng kriminalidad.
Nang tanungin kung ipauubaya na lang niya sa Kongreso ang desisyon sa parusang kamatayan, sinabi niya na “Yes, because it is legislation that will carry it.”