PINUNA ng direktor na si Darryl Yap ang pag-aalis ng high heels ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo matapos ang debate ng CNN Philippines nitong Linggo.
Ayon sa Kape Chronicles director, isang malaking palabas lang umano ang ikinakalat na larawan ng kampo ni Robredo kung saan hawak nito ang kanyang sapatos at naglalakad nang nakapaa makaraang sumalang nang tatlong oras sa debate.
Mababasa sa tweet ng kampo ng Bise Presidente na kaakibat ng viral photo: “Alam ng true leader kung gaano tumatagal ang mga debate; na sasakit ang kanyang binti at paa kung maghi-heels siya.”
“True leader is stepping up and showing up… even if it means standing in heels for 3 hours,” dagdag sa tweet.
Sa Facebook, tinawag naman ni Yap ang paandar ni Robredo na “wrong decision.”
“Alam ng TRUE LEADER kung gaano tumatagal ang mga debate.
“Alam ng TRUE LEADER na sasakit ang kanyang binti at paa kung magheheels siya.
“POOR PLANNING. WRONG DECISION…all for a show. Showmanship is not Leadership,” hirit ni Yap.
Si Yap ang direktor ng mga pelikulang “Pornstar 2: Pangalawang Putok,” “Sarap Mong Patayin,” ‘Tililing,” “Revirginized,” at “Sakristan.”
Siya rin ang nasa likod ng “Kape Chronicles” kung saan bida sina Sen. Imee Marcos at Juliana Parizcova Segovia.
Samantala, tinawag naman na tanga ni Jay Sonza si Robredo sa kawalan umano nito ng foresight.
“Kapag alam mong matagal ang tindigan sa isang okasyon, pulong o event, dapat naka flat shoes ka o kaya maghubad ka ng sapatos na may mataas na takong. Iyan ay kung hindi mabaho at umaalingasaw ang iyong paa.
“Bawal ang tatanga-tanga!
“Tapos gigimik ka na bitbit ang sapatos na para kang tatawid sa ilog sa kabukiran. Napaka-cheap ng dating,” ayon sa radio personality.