NAGPAALALA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia sa voting public na bawal mag-selfie sa loob ng polling precinct sa araw ng halalan sa Lunes, Mayo 9.
“Ang masidhing pakiusap natin na sana po kung may dala man pong cell phone ang atin pong mga kababayan ay huwag na lang po doon pa magsi-selfie-selfie sa loob pa ng presinto lalo na iyong mga siyempre first time, excited na makaboto ay doon pa magsi-selfie,” sabi ni Garcia.
Idinagdag ni Garcia na bawal ding kuhaan ng litrato ang balota ng isang boboto.
“Bandang huli makasuhan pa kayo ng election offense. Isa hanggang anim na taong pagkakakulong iyon,” dagdag ni Garcia.
Idinagdag ni Garcia na magamat pinapayuhang magdala ng kodigo, hindi dapat itong nakalagay sa cellphone.