INANUNSYO ng Office for Overseas Voting na “deliberately edited” ang kumakalat sa social media na larawan ng balota sa New Zealand na wala ang pangalan ni Vice President Leni Robredo.
Inaalam na ng OFOV ang nag-edit ng larawan at nagpakalat nito.
“The OFOV is coordinating closely with the Department of Foreign Affairs and Philippine Embassy in New Zealand to identify the person responsible for editing the photo and for spreading the said photo on social media” ayon sa overseas voting office ng Commission on Elections.
Kinumpirma naman ni Comelec Commissioner George Garcia na peke ang balota.
Ani Garcia, naglabas na ng pahayag ang Philippine Embassy sa Wellington na walang Pinoy na nagtungo sa kanilang opisina para ireklamo ang pagkawala ng pangalan ni Robredo sa balota.