SINABI ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson na si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang unang magigig “majority president” sakaling manalo ito sa halalan.
Ibinatay ito ni Singson sa mga resulta ng mga survey na kamakailan ay inilabas na nagpapakita na si Marcos Jr. ay nais ng hindi bababa sa 50 porsyento ng mga respondent.
“Sabi ko nga kanina—magiging majority president, ngayon lang. Ever since wala tayong majority president, puro – like for example si President Duterte malakas pero 16 million lang nakuha niya at 25 million ‘yung hindi bumoto. Pero this one, more than 50 percent na. Lahat naman ng survey ganun eh,” sinabi ni Singson.
Iginiit din ni Singson, ang LMP president, na 80 porsyento ng mga miyembro-mayor ng LMP ang sumusuporta sa tandem ni Marcos Jr. at ng kanyang running mate, ang kandidato sa pagka-bise presidente na si Sara Duterte-Carpio.