SI Pangulong Duterte ang nais sanang makatandem ni dating Senador at aspriting president Bongbong Marcos.
Ayon kay Marcos, plano sanang ampunin ng Partido Federal ng Pilipinas si Duterte bilang kandidato nito sa pagkapangulo, kaya lang ay umatras na ito at nagpahayag na magreretiro na sa pulitika.
“As of now, no one has filed for vice president under PFP. To be very candid with you, the reason why is that the original plan was for us to adopt PRRD (Duterte) for our vice presidential candidate,” ani Marcos matapos siyang mag-file ng kanyang certificate of candidacy Miyerkules.
“Pero sa mga nangyari noong nakaraang Sabado, nagbago lahat ng plano. Kaya’t ngayon, nagkokonsulta kami, ‘yung partido at syempre lahat ng mga ating ibang mga kasamahan na kung anong dapat gawin,” dagdag pa niya.
Wala naman siyang nabanggit kung si Senador Bong Go ang aampunin nitong maging vice presidential bet.