PORMAL nang inanunsyo ngayong Martes ni dating Senador Bongbong Marcos na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Ginawa ni Marcos ang anunsyo matapos ang inagurasyon ng kanyang campaign headquarters sa Edsa sa Mandaluyong City.
“I am today announcing my intention to run for the presidency of the Philippines in the upcoming May 2022 elections. I will bring that form of unifying leadership back to our country,” ayon sa maiksing pahayag ni Marcos.
Ngayong araw din inaasahan na magpa-file siya ng kanyang certificate of candidacy para sa pagkapangulo.