GANITO ang pangako ni Promdi presidential candidate at Senador Manny Pacquiao sa unang araw ng kampanya nitong Martes sa General Santos City, kasabay ang pagkondena sa patuloy na korupsyon sa gobyerno na siya namang ugat ng kahirapan.
Dinagsa ng kanyang mga tagasuporta ang Oval Stadium para sa kick-off rally ni Pacquiao.
Ayon sa senador, ginawang negosyo ang pulitika sa bansa kung kayat patuloy ang paghihirap ng maraming Pilipino.
“Napuno na ako, ang daming tumakbo bilang presidente puro lang pangako. Imbes na yumaman tayo, bakit lalo tayong naghihirap?,” ayon kay Pacquiao habang ikinumpara ang Singapore sa pagiging asensado nito.
“Bakit sila umaasenso, kasi walang korapsyon. Umaasenso sila kasi walang korapsyon at hindi puro pangako.”
“Hindi kailangan ng pulitiko sa Pilipinas. Ginagawang kabuhayan ang pagsisilbi sa bansa. Sisiguraduhin ko na bawat Pilipino panalo sa laban ni Manny Pacquiao,” dagdag pa niya.