Bato biglaan pagtakbo bilang pangulo

IBINUNYAG ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na biglaan lamang ang pagtakbo niya sa pagkapangulo.


Naghain si Dela Rosa ng kayang Certificate of Candidacy (COC) dalawang oras bago ang deadline ng filing.


“Tinawagan ako [ni Energy Sec. Alfonso Cusi] 3 o’clock in the afternoon [on Friday] na pumunta sa Sofitel para mag-file ng COC,” ayon sa senador.


Sinabi sa kanya ni Cusi, PDP-Laban wing head, na na wala nang ibang tatakbo sa partido kaya siya ang pinapunta nito.


“Wala na tayong ibang nakitang puwedeng magpapatuloy ng legacy ni President Duterte na iiwan, kundi ikaw,” ani Cusi sa senador.


“Okay, I’ll be there, pero malayo ako ha, baka ma-traffic ako, alas-5 ang deadline,” sagot naman ng mambabatas.


“Binilisan ko, pumunta ako doon, aniya. “Iyon na, ginawa namin ‘yong COC at nag-file.”


Si Sen. Christopher “Bong” Go ang running mate ni Dela Rosa. –A. Mae Rodriguez