Banta sa demokrasya

INTENSE, nakapangingilabot at kagigil ang laman ng balita nitong Martes, October 5.

Habang naghahasik pa ng lagim ang papalubog na bakulaw na si Duterte, lumutang naman ang isa pang kampon ni Satanas na atat bumalik sa Malacańan at magpasabog ng kadiliman.

Kabaligtaran ng inanunsyo niyang  ibabalik niya ang liderato na magkakaisa sa bansa kapag siya ay nahalal na presidente – gera at pagkakahati-hati ang sumpang baon ni Bongbong Marcos sa bansa at sa madlang pipol.

Kailangan pa bang i-memorize yan?

Niloko niya ang mga tao na graduate siya ng BA in Philosophy, Politics and Economics sa Oxford maski hindi.

Nag-masteral siya sa Wharton  School of Business, University of Pennsylvania, sa Philadelphia, US pero di naman tinapos dahil nag-Vice Governor sa Ilocos Norte noong 1980. 

Alam nyo ba mga “kapuwa” ko millenials, ang pinambayad sa tuition niya, monthly allowance na $10,000 at estate na tinirhan niya habang nag-aaral sa Wharton ay nabisto ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ninakaw mula sa Intelligence Fund  ng Office of the President at ilan sa 15 sekretong bank accounts ng Marcoses sa US gamit ang iba-ibang alyas noong 1980.

Noong 1985 inappoint siya ng diktador na ama bilang Chairman ng Philcomsat at sumasahod siya ng $9,700 to $97,000 kada buwan ganung bihira magpakita sa mga meeting ang mokong.

Ang Philcomsat ay pag-aari noon ng cronies ni Mokmok na sina Roberto Benedicto, Manuel Nieto at Rolando Gapud. 

Edad 26 siya noon kaya alam niyang nagnanakaw na silang pamilya taliwas sa pagtatanggi at pagdepensa niya, gunggong talaga.

Pumarte rin si Bongbong Marcos ng P100 million sa Napoles pork barrel scam para sa ghost non-government organizations ni Janet Lim Napoles.

Todo tanggi pa rin si Bongbong Marcos na ang $10 billion yaman ng tatay ay ill-gotten maski nanindigan ang Supreme Court na ito ay nakaw.

Katunayan din, as of September 2021, nabawi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang P174 billion, ayon kay  Commissioner John Agbayani.

Pero hirit hari pa nito, legit ang yaman ng tatay niya – oo na, legit na legit na all-time high na pandarambong. 

Kung hindi legit e bakit pasok ang pandarambong ni Marcos sa Guinness Book of World Records bilang Greatest Robbery of a Government.

Noong isang linggo lang may humabol pa: Nagbaba ng desisyon ang Sandiganbayan na inuutusan ang Traders Royal Bank na isoli sa gobyerno ang ill-gotten wealth ni Marcos na sa suma ng Rappler ay mahigit P1 billion. 

Ang nakaw na yaman na yan ang halaga ng nabawing bank certificates na bitbit nina Marcos sa eroplano puntang Hawaii nung pinatalsik sila  ng taumbayan sa EDSA People Power Revolution nung 1986.

Pruweba galore. 

Pang-devil finale: pinaka-karumal dumal at pinakamadilim na yugto sa post-war ng Pilipinas ang pagdeklara ng martial law na pumatay at naglibing sa malayang pamamahayag at pagpatay sa mga lumalaban sa diktador.

Mula 1975 to 1985, naitala ang 3,257 extrajudicial killings, may 77,000 political prisoners, 35,000 torture victims, at mahigit 700 ang missing o ‘disappeared’ sa rehimeng US-Marcos, ayon sa human rights monitoring groups na pinangungunahan ng Amnesty International. 

Ang masakit dito, humirit ang demonyo junior na si Bongbong Marcos: pera-pera lang daw ang habol ng 9,539 human rights victims sa kanilang class suit sa Hawaii. 

Banta sa demokrasya ang pagbabalik ni Bongbong Marcos sa Malakanyang pag itinuloy niya ang pagkandidato sa  pagka-presidente sa isang taon. Pag siya ay nanalo, wawasakin nya ang lahat ng napagtagumpayan ng malayang Pilipino.

#NeverForget!

#NeverAgain!

#BiguinSinaMarcosAtDuterte!