apl.de.ap hindi pro-Bongbong, pero di rin Kakampink


ITINANGGI ni apl.de.ap, ang Fil-Am member ng international musical group na Black Eyed Peas, na ikinakampanya niya si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pero bago magbunyi ang nga supporters ni Vice President Leni Robredo, na tumatakbo rin bilang pangulo, klinaro ng rapper na wala siyang ineendorso na kandidato sa May 9 elections.

“Country over party. Not endorsing any candidate,” tweet niya.

Matatandaang kumalat online na nag-perform si apl (Allan Pineda Lindo sa totoong buhay) sa grand rally ng UniTeam sa Bataan.

Isinama rin siya sa listahan ng mga celebrities na umano’y supporters ni Marcos.

Agad naman itinanggi ng rapper na siya ang umawit ng “Bebot” at “Where is the love” at nagkomento ng facepalm emojis.

Lumabas naman na look-alike lamang ng rapper ang sumampa sa stage ng BBM-Sara tandem.