Anak ni Bossing suportado si Leni, walang loyalty sa pamilya?


PINUNA ng ilang netizens si Paulina Sotto, anak ni Vic Sotto, makaraan nitong inanunsyo na si Vice President Leni Robredo ang sinusuportahan niyang kandidato sa pagkapangulo at hindi si Sen. Ping Lacson na running-mate ng tiyuhin niyang si Sen. Tito Sotto.


Ayon sa mga netizens, walang pagpapahalaga sa pamilya si Paulina dahil mas pinili nito ang kalabang kandidato ng kanyang tiyuhin.


Pinuna rin siya at sinabing walang karapatang magpahayag ng sentimento sa politika sa Pilipinas dahil isa na itong American citizen.


Humirit din ang mga ito na huwag na niyang gamitin ang apelyidong Sotto.
Nitong Linggo ay nag-post si Paulina sa Instagram ng larawan niya na nakasuot ng pink face mask at may caption na #LabanLeni2022.


“FYI: You are not obliged to support or promote someone simply because you are related to them or have connections to them. Enough is enough. It’s time to focus on what our country needs.”


Si Paulina ay anak ni Vic sa dating aktres na si Angela Luz. –A. Mae Rodriguez