Abella: Survey results di dapat isapubliko

NANINIWALA si presidential aspirant at dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella na mind conditioning ang isinasagawang pagpapalabas ng mga survey results para sa mga kandidato sa darating na halalan.

“It pre-conditions people na…’baka sayang lang ang boto ko sa taong to. Eh, it’s about time. Dapat siguro there should be a ban on the surveys weeks before,” ani Abella.

Patas lamang umano ito para sa lahat ng kandidato dapat hindi isapubliko ang presidential survey.

“So, para patas ang laban, dapat ihinto ‘yan. Kasi alam naman natin na commissioned ‘yan eh. Most of them are commissioned,” ayon pa kay Abella.

Anya pa, sa ibang bansa ay ipinagbabawal ang paglalabas ng survey results ilang linggo bago ang aktwal na halalan.

Sa pinakahuling presidential survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations na isinagawa noong nakaraang buwan, nakakuha lamang si Abella ng 0.05 percent at 0.04 percent rating.