MAYORYA ng mga Pilipino ang hindi naniniwala na may basehan o legal ang nakatakdang pagktakbo ni Pangulong Duterte bilang vice president sa darating na 2022 elections.
Ayon sa survey ng Social Weather Station, 60 percent ng mga Pinoy ang nagsabi na unconstitutional ang pagtakbo ni Digong bilang pambato ng PDP-Laban sa vice presidential race.
Sa isinagawang survey ng SWS mula Hunyo 23 hanggang 26, 2021, sinabi ng 60 porsiyento ng mga tinanong na nilalabag ni Duterte ang intensyon ng Konstitusyon.
At kinakailangan munang maameyandahan ang Konstitusyon bago siya makatakbo sa nasabing race.
Samantala, 39 porsiyento naman ang nagsabi na kailangang tumakbo si Duterte bilang bise president “because I would like his management of the government to continue.” Samantalang 1 porsiyento naman ang hindi sumagot.