MAGSASAGAWA ng three in-person debate ang Commission on Elections (Comelec) sa pagitan ng mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa darating na 2022 elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bagamat pisikal ang gagawing debate, lilimitahan lamang ito sa tatlong kandidato kada episode.
Hindi rin isasama ang mga supporters sa lugar kung saan gagawin ang debate at tanging virtual lamang ang maaaring partisipasyon ng mga ito.
“It will be face-to-face among candidates. Yesterday there was a lot of talk about it being online and people were concerned that online meant the candidates will be virtual as well. They wouldn’t be,” paliwanag ni Jimenez.
“Candidates will be in the same place, they will debate in-person but the audience will be virtual,” dagdag pa ni Jimenez.