TINUKOY ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang 12 senatorial bets na susuportahan ng grupo sa darating na eleksyon sa Mayo 9.
Sa isang kalatas, naniniwala si TUCP president at party-list Rep. Raymond Mendoza na maisusulong ng 12 senatorial candidates na kanilang susuportahan ang mga panukala para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino at kani-kanilang pamilya.
Ang 12 senatorial candidates na suportado ng TUCP ay sina:
Reelectionist Risa Hontiveros, Dick Gordon at Joel Villanueva, ang mga human rights lawyer na sina Neri Colmenares at Chel Diokno, dating Public Works Secretary Mark Villar, dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, at Deputy Speaker Loren Legarda.
Kasama rin sina Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano, labor leader Elmer Labog, dating MinDA chairman Emmanuel Piñol, at dating Sen. Jinggoy Estrada.
Ayon kay Mendoza, magkakatulad ang mga platapormang isinusulong ng mga ito at ng mga programa ng TUCP.
“Now more than ever, it is important that we vote for candidates that will fight to protect and help the people that need it the most – our workers and their families. It is of utmost importance that we elect people that will support the TUCP Legislative and Executive Policy Agenda as we try to recover from the economic aftermath caused by the pandemic, and continue to save jobs and save lives,” ani Mendoza.