WHO nagbabala vs ‘mixed vaccines’

NABABAHALA ang World Health Organization (WHO) ukol sa nauuso na pagbabakuna na gamit ang magkakaibang brands.


Ayon sa WHO, isa itong “dangerous trend” dahil kulang pa umano ang impormasyon ukol sa paghahalo ng iba’t-ibang klase ng bakuna.


“It will be a chaotic situation in countries if citizens start deciding when and who will be taking a second, a third and a fourth dose,” ani WHO chief scientist Soumya Swaminathan.


Nauna nang sinabi ng Strategic Advisory Group of Experts na maaaring gamitin ang Pfizer bilang second dose sakaling hindi available ang unang itinurok na AstraZeneca.


“Data from mix and match studies of different vaccines are awaited– immunogenicity and safety both need to be evaluated,” dagdag ni Swaminathan. –A. Mae Rodriguez